The Final Demonstration Teaching


                      Final Demonstration Teaching                                Documents  and Pictures
 November 22, 2017


Lesson Plan


Banghay Aralin sa
Araling Panlipunan 7- Araling Asyano
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nakikilala ang mga nasyonalista at ang kanilang mga ambag sa Timog at Kanlurang Asya.
2. nasusuri ang mga pamamaraang ginamit ng mga nasyonalista sa pagpapahayag ng kanilang damdaming makabayan.
3. naiuugnay ang mga mga katangian ng mga nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya sa katangian ng isang huwarang mamamayan na may pagmamahal sa bansa.
4.  naipapahayag ang sariling paraan upang maipamalas ang damdaming makabayan.

II. Paksang Aralin
A. Paksa
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang asya
B. Sanggunian
Blando, Rosemarie C. et al. 2014. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Eduresource Publishing Inc. pp. 230-233
C. Kagamitan
ü  Cartolina
ü  Pisara
ü  Marker
ü  Larawan
ü  Laptop
ü  Projector
ü  Speaker




III. Pamamaraan
Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
  Magsitayo ang lahat. Maari bang isa sa inyo ang mamuno sa ating panalangin?


2. Pagbati
Magandang araw 7-Love!

3.Pagsasaayos ng Silid
Bago kayo magsiupo, maaari bang pakiayos muna ang inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat sa inyong paligid.


Maari na kayong maupo.

4. Pagtala ng Liban
Mayroon bang liban sa inyong pangkat?
Pangkat 1

Pangkat 2

Pangkat 3

Pangkat 4

Pangkat 5

5. Balik-aral
Sa araw na ito may bagong paksa tayong tatalakayin ngunit bago ang lahat magbalik-tanaw muna tayo sa ating pinag-aralan kahapon. Ano ba  ang inyong natatandaan  hinggil sa ating tinalakay?

(Tatawag ang guro ng mag-aaral)


Mahusay! Ano ba ang kahulugan ng Nasyonalismo?


Tama! Paano ba natin maipapakita ang nasyonalismo?


Mahusay!


Tama! Paano ba umusbong ang damdaming makabayan sa Timog at kanlurang Asya?



Mahusay!
6. Pagganyak
Ngayon bago tayo dumako sa ating talakayan sa araw na ito magkakaroon tayo ng isang gawain.  Manonood tayo ng isang Music Video na may pamagat na “Handog ng Pilipino sa Mundo”. Ito ay isinulat ni Jim Paredes at kinanta ng labinlimang mang-aawit kabilang dito ay sina Kuh Ledesma, Gretchen Barreto, at ang Apo Hiking Society. Matapos yaon ay may ilang katanungan ako sa inyo.

Mahusay! Tungkol saan ang inyong napanood?


Mahusay! Ano ang mensahe ng inyong pinanood?



Magaling! Sino-sino ba ang mga naging bahagi ng EDSA People Power  Revolution?

Tumpak! Alam ninyo ba na ang tawag sa mga katulad nila na taong nagpapakita ng pagmamahal sa bayan ay nasyonalista at ang tatalakayin natin sa araw na ito ay…

B. Pagtalakay
Ngayon ay dadako na tayo sa ating talakayan. Ngunit bago yaon ay magkakaroon tayo ng isang gawain. Hahatiin natin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ko ng isang envelope na naglalaman ng kartolina at litrato ng isang Nasyonalista.  upang inyo siyang makilala pupunan ninyo ang ilalim ng larawan ng mga salita, pangungusap, o parirala na may kaugnayan sa kanya. Inyo itong gagawin sa loob ng dalawampung minuto at ibabahagi ninyo ito sa klase pagkatapos. Kayo ay bibigyang marka ayon sa rubrik.

Presentasyon- 20 puntos
Impormasyon- 20 puntos
Pagkakaisa sa paggawa- 10 puntos




Ang ating pagkilala sa mga nasyonalista ay pangungunahan ng unang pangkat.







 





 

Mahusay!  Makakaupo na kayo. Bakit nais ni Gandhi na hindi gumamit ng dahas?


Tama! Ano ba ang mangyayari kung gagamit ka ng dahas sa pakikipaglaban?


Tama! Kung ikaw si Gandhi, ano ang iyong mararamdaman kung hindi ka nagtagumpay sa iyong layunin?


Mahusay! Ano ang iyong gagawin nang hindi gumagamit ng dahas?


Tama!


Tumpak!


Mahusay! Ngayon kikilalanin naman natin ang ikalawang nasyonalista. Ikalawang pangkat maari na kayong magsimula..

 










Magaling! Bakit kaya ninais ni Jinnah na magkaroon ng sariling bansa ang mga Muslim?


Mahusay! Maaari bang magsama sa iisang bansa ang muslim at hindu ?


Tama!


Tama! Ang ikatlong nasyonalista naman ang ating kikilalanin sa pangunguna ng ikatlong pangkat.

 













Magaling! Bakit ninais ni Atataturk na mapalaya ang kanyang bansa mula sa tangkang paghahati sa kanila ng mga Kanluranin?


Mahusay! Bakit nagsagawa ng maraming pagbabago si Mustafa Kemal sa kanyang bansa?




Tama!




Tama! Kung ikaw ay mag-isa lamang posible ba na ikaw ay magtagumpay na palayain ang iyong bansa?





Mahusay! Ang ika-aapat na nasyonalista ay ipapakilala sa atin ng susunod na pangkat.

 










Mahusay! Bakit tinuligsa ni Khomeini ang kanilang pinuno?


Tama? Ano baa ng mangyayari kung may roong dayuhan sa isang bansa?





Tama!




Mahusay! Handa ba kayong makulong o maipatapon sa ibang bansa maipahayag lamang ang hinaing ninyo sa pamahalaan? Bakit?
hinaing




Magaling! Sa inyong palagay, ano ang mangyayari kung nasa iisang tao lamang ang kapangyarihan sa pamahalaan at simbahan?





Mahusay!


Tama! Para sa huling nasyonalista, ibabahagi naman sa atin ito ng ikalimang pangkat.














Mahusay! Paano nabawi ni Saud ang mga lupaing sakop ng kanyang pamilya?



Tama! Malaki ba ang bahaging ginagampanan ng relihiyon upang mapagbuklod ang ilang pangkat?



Tama! Paano naging susi ang langis upang yumaman at maging makapangyarihan ang Saudi Arabia?


Tumpak! May katanungan ba o nais linawin sa ating talakayan?

Magaling!
C. Paglalahat
Sulyapan  natin muli ang  tinalakay sa araw na ito. Ano nga uli ang ating  paksa ?


Tama! Sino- sino ang mga nasyonalista?

Tama!

Tama!

Tama!

Tama!

Tama! Ano ang bagay ang ginamit ni Mohandas Karamchad Gandhi?


Mahusay! Saang bagay naman nakilala si Mohamed Ali Jinnah



Tama! Ano namn ang nagawa ni Mustafa Kemal Ataturk?


Mahusay! Paano naman ipinakita ni Ayatollah Roullah Mousari Khomeini?


Mahusay! Paano naman nakilala si Ibn Saud?


Tama!
D. Paglalapat
Sa puntong ito na nakilala na natin ang mga nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya, Sino sa kanilang lima ang maari mong masabing idolo mo sa larangan ng nasyonalismo? Bakit?



Kung ang ginamit niya ay _______ ang gagamitin ko naman upang maipamalas ang nasyonalismo ay ______________




(Isang mag-aaral ang pupunta sa harap at pangungunahan ang pagdarasal)


Magandang araw din po Ginoong Yco!




(Aayusin ng mga mag-aaral ang kanilang mga upuan at pupulutin ang mga kalat)

(Mauupo na ang mga mag-aaral)



Wala po!

Wala po!

Wala po!

Wala po!

Wala po!






(Magtataas ng kamay ng mga mag-aaral)

Sir! Tinalakay po natin ang Nasyonalismo sa Asya


Sir! Ito po ay ang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan


Sir! pagtangkilik po sa sariling produkto ng bansa.

Sir! pagkakaisa at pagiging makatarungan po



Naging malupit at di makatarungan po ang mga kanluranin sa pamumuno at pamamahala sa Asya.











(Manood ang mga mag-aaral)

Sir! Tungkol po sa mga naganap noong EDSA People Power Revolution


Sir! makakamit po natin ang kalayaan nang walang dahas ang kailangan lang po ay magkaisa.


Sir! mga pari, madre at sundalo




Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya


















(Sa loob ng dalawampung minuto ay gagawin ng mga mag-aaral ang gawain at pagkatapos nito ay ang kanilang pagbabahagi)














·         Ang nasa larawan po ay si Mohandas Karamchad Gandhi mula sa India
·         Namuno upang ipaglaban ang hinaing ng mga Indian sa mga Ingles
·         Naniniwala sa Ahimsa (lakas ng kaluluwa) at satyagraha (Kawalan ng Kararahasan) sa pakikipaglaban
·         Nagsagawa ng Hunger Strike, pagmamartsa, at civil disobedience o pagboykot sa produktong Ingles
·         Lumaya ang India subalit namatay ng hindi nagtagumpay na mapag-isa ang mga Hindu at Muslim



Sir! ayaw po niya na magbuwis ng buhay ang mga tao upang makamit lamang ang kalayaan



Maraming buhay ang mawawala at maraming pamilya ang mawawalan ng mahal sa buhay.



Malulungkot po dahil parang nasayang lang po ang aking pinaghirapan.


Sir! Pagtangkilik po sa mga gawa dito sa ating bansa tulad ng pagkain, damit at iba pa.

Pakikiisa po at pagtulong sa mga nangangailangan sa ating bayan

Pagsunod po sa mga batas na pinaiiral ng pamahalaan.















·         Siya po ay si Mohamed Ali Jinnah mula sa Pakistan
·         Pinangunahan ang Muslim League na naghangad ng isang malayang hiwalay na bansa para sa kanilang mga Muslim mula sa India
·         Kauna-unahang Gobernador-heneral ng Pakistan
·         Tinaguriang “Ama ng Pakistan”

 
Sir! upang mapanatili ang paraan ng kanilang pamumuhay na nakabatay sa relihiyong Islam.


Sir!hindi po upang makaiwas sa pangmamaliit at diskriminasyon mula sa isa’t isa

Opo, kung sila po ay mag-uunawaan at rerespetuhin ang bawat isa














·         Siya ay si Mustafa Kemal Ataturk mula sa Turkey
·         Isang opisyal ng militar na naging unang pangulo at tagapagtatag ng Turkey
·         Isa sa mga hindi sumangayon sa kasunduan ng Italy at France na hatiin ang Imperyong Ottoman.
·         Naging tagapagsalita ng Grand National Assembly na nagbigay daan upang kumilos ang mga Turkong militar para hingin ang kanilang kalayaan.
·         Nagsagawa ng mga pagbabago sa pamahalaan, ekonomiya, at  kultura.



Sir! upang mapanatili po nila ang kanilang pagkakakilanlan bilang mga Turko



Sir! dahil may mga pamamaraan o sistema na hindi akma sa kasalukuyang panahon sa kanilang bansa o kaya naman po ay labag sa kagustuhan ng nakararami

Sir! dahil kailangan po ng pagbabago upang makasabay ang kanilang bansa sa takbo ng iba pang bansa.



Sir! hindi po! Dahil kailangan po ng maraming tao na nagkakaisa upang makamit ang hangarin mo na mapalaya ang iyong bansa tulad po ng nangyari sa Turkey na sinuportahan po si Mustafa Kemal ng militar.















·         Siya ay si Ayatollah Roullah Mousari Khomeini mula sa Iran
·         Bumatikos sa mga karahasan ng Shah at pagsuporta nito sa interes ng mga dayuhan.
·         Nakulong at ipinatapon sa ibang bansa
·         Salman Rushdie- hinatulan niya ng kamatayan dahil sa aklat nitong “Satanic Verses”.
·         Nakilalang malupit na pinuno.


Sir! dahil pinanigan po niya ang interes ng mga ito.



Sir! dahil pag may dumating pong dayuhan nagugulo po ang paraan ng pamumuhay ng isang lugar at naiimpluwensiyahan nila ang pamamalakad ng pamahalaan.

Nawawala po ang pagpapahalaga sa pagkakakilanlan ng isang lugar dahil mas nabibigyang pansin ang katangian ng mga dayuhan.



Sir! Opo dahil bilang isang mamamayan kailangan  ipahayag po natin ang ating karapatan na magmalasakit sa pamahalaan at sa bayan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng hinaing



Magiging magulo po dahil ang batas ng simbahan ang magiging batas din ng pamahalaan kaya kung malupit po ang batas ng simbahan gayundin po ang magiging batas sa pamahalaan

Magkakaroon po ng kaayusan dahil iisang tao lamang ang namumuno sa bansa.













·         Siya ay si Ibn Saud mula sa Saudi Arabia
·         Kauna-unahang hari ng Saudi Arabia
·         Pinagbuklod sa iisang kaharian ang mga lupaing dating sakop ng kanilang pamilya at mga nasakop na lupain.
·         Nahimok ang mga nomadiko na mabuhay ng payapa at napatigil ang mga pagnanakaw at pangingikil sa mga dumadalo sa pilgrimage sa Mecca.
·         Pinahintulutan ang isang kompanya mula sa Estados Unidos na magkaroon ng oil concession sa Saudi Arabia.


Gumamit po siya ng pakikidigma upang mabawi ang mga lupaing dating sakop ng kanilang pamilya



Opo dahil kung iisa lang po ang relihiyong sinasamba magkakaroon po ng ugnayan ang bawat pangkat at madali pong magkakasundo



Nagbigay po ito ng malaking pera para sa ekonomiya at pamahalaan ng Saudi Arabia


Wala po!




Sir mga Nasyonalista po sa Timog at Kanlurang Asya

Ayatollah Khomeini

Mohandas Karamchad Gandhi

Mustafa Kemal Ataturk

Ibn Saud

Mohamed Ali Jinnah


Sir! gumamit po siya ng ahimsa at satyagraha sa pakikipaglaban


Sir! nakilala po siya sa pangunguna niya na magkaroon ng hiwalay na bansa para sa mga Muslim sa India


Sir! Siya po ang nagbigay daan upang lumaya ang Turkey


Sir! ipinaglaban po niya ang kakapakanan ng kanyang mga kababayan laban sa karahasan ng Shah at pagpanig nito sa mga dayuhan.

Sir! pinagbuklod at pinaunlad po niya ang ekonomiya ng Saudi Arabia.





(Ibibigay ng mga mag-aaral ang kanilang kasagutan batay sa kanilang damdamin at naunawaan)



IV. Pagtataya
Pagpapangkat-pangkat. Isulat lamang ang sagot.
                        A                                                                                             B
1. Ama ng Pakitan                                                                  a. Ayatollah Khomeini
2. Nanghikayat ng Civil Disobedience                                   b. Ibn Saud
3. Kauna-unahang hari ng Saudi Arabia                                 c. Mohandas Karamchad Gandhi
4. Unang pangulo ng Republika ng Turkey                           d. Mohamed Ali Jinnah
5. Nagtalumpati at nagsulat laban sa Shah.    .                       e. Mustafa Kemal Ataturk
                                                                                                f. Isman Rushdie

Susi sa Pagwawasto
1. D                        2. C                 3. B                 4. E                  5. A
V. Kasunduan
Sa isang Short Bondpaper gumawa ng Slogan na  nagpapahayag ng nasyonalismo..
Halimbawa:     Buhay ay iaalay
                        Para sa bayang sinilangan
Rubrik:  Pagkamalikhain- 15 puntos.              Mensahe- 15 puntos

 Documentation

During Demonstration











After the Demonstration Picture


Rating Scale of Cooperating Teacher
Ms. Dessierose D. de Martin





Teaching Demonstration Observation Guides of Observers

Mr. Lemuel P. del Rosario


 Mr. Jomarth C. Blanca

 Mrs. Clarisse P. Gonzales


Summary of Scores
Observer
Competencies
Average
I
Preliminaries
II
Preparation
III
Presentation
IV
Evaluation
V
Assignment
VI
Overall Personality
Dessierose D. de Martin- Cooperating Teacher
4.17
4.6
4.52
4.4
4.5
4.88
4.51
Lemuel P. del Rosario
4.83
4.8
4.52
4.2
4.5
4.75
4.6
Jomarth C.
Blanca
4.5
4.4
4.48
4.2
4.75
4.75
4.51
Clarisse P. Gonzales
5
4.8
4.84
4.6
5
4.88
4.85
Total
4.63
4.65
4.59
4.35
4.69
4.72
4.62




Comments

Popular posts from this blog

Titles and Synopsis of Professional Readings and References

My Daily Experience