Best Lesson Plan
My Best Lesson Plan
September
11, 2017
Masusing
Banghay Aralin
sa
Aralig Panlipunan
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin
ang mga mg-aaral ay inaasahang:
1 nasusuri
ang mga mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa Kanlurang Asya.
2 napapahalagahan
ang mga ambag ng mga kilalang tao na naging bahagi ng mga mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa Kanlurang Asya.
3 naipapaliwanag
ang mga bagay na naiambag ng mga sibilisasyon at imperyo sa Kanlurang Asya sa
klase.
II.
Paksang Aralin
A.
Paksa
Mahahalagang
Pangyayari sa Sinaunang Panahon sa Kanlurang Asya (Summerian, Akkadian,
Babylonian, Assyrian, Chaldean)
B.
Sanggunian
Blando,
Rosemarie C. et al. 2014. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Eduresource
Publishing Inc. pp. 137-138
Santiago,
Aurora L. et al.2012. Araling Asyano. JO-ES Publishing House. pp. 186-191
C.
Kagamitan
Cartolina
Pisara
Marker
Larawan
Adhesive Tape
III.
Pamamaraan
Gawain ng Guro
|
Gawain ng Mag-aaral
|
A.
Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat. Maari bang isa sa inyo ang mamuno sa ating
panalangin?
2. Pagbati
Magandang araw!
3.Pagsasaayos ng Silid
Bago kayo magsiupo, maaari bang
pakiayos muna ang inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat sa inyong
paligid.
Maari na kayong maupo.
4. Pagtala ng Liban
Mayroon bang liban sa inyong pangkat?
5. Balik-aral
Sa araw na ito may bagong paksa tayong
tatalakayin ngunit magbabalik-tanaw muna tayo sa ating pinag-aralan kahapon.
Ano ba ang inyong natatandaan hinggil sa ating tinalakay?
Mahusay! Ano-ano ba ang mga sinaunang
kabihasnan sa Asya?
Tama! Iba pang kasagutan…
Mahusay! Karagdagang sagot…
Tama!
6. Pagganyak
Ngayon bago tayo dumako sa ating
talakayan sa araw na ito magkakaroon tayo ng isang laro.
Bago ang lahat hahatiin muna natin ang
klase sa dalawang pangkat..
Ayong magkakasama na ang mga
magkakapangkat, bibigyan ko kayo ng isang envelope. Kapag mayroon na ang
pangkat buksan ninyo ito. Ano ang inyong nakita?
Tama! Ang papel na inyong nakita ay
may butas sa gitna. Ang bawat isang kasapi ng pangkat ay dapat na makapasok
sa loob nang hindi nasisira ang papel…
Ano ang inyong napansin habang
isinasagawa ang gawain?
Tama! Ano pa?
Tama!
Magaling! Sa mga nakayanang mapanatili nang matagal
ang pape ng hindi napupunit, ano ang naging susi upang inyong magawa iyon?
Mahusay! Bakit naman madaling napunit
ang papel ng ibang pangkat?
Tama! Ang inyong mga napansin sa ating
gawain ay may kaugnayan sa mga katangian ng mga pangyayari sa ating paksa.
Ano ba ang ating tatalakayin?
Tama!
B.
Pagtalakay
Ngayon
ay dadako na tayo sa ating talakayan. Ating tatalakayin ang mga mahahalagang
pangyayari sa sinaunang panahon sa Kanlurang Asya. Partikular nating tatalakayin
ang lima sa mga sinaunang kabihasnan at imperyo. Batay sa inyong nabasa, ano
ang unang kabihasnan ang ating tatalakayin?
Tama! Saan sumibol ang mga Sumerian?
Mahusay! Ano nga uli ang kahulugan ng
Mesopotamia?
Tama! Anong mga ilog ang matatagpuan
sa Mesopotamia?
Tama! Bakit sumibol ang Kabihasnang
Sumer sa Mesopotamia?
Tama! Ano ba ang kahalagahan ng matabang
lupa?
Tama! Ano ba ang mga bagay na naiambag
ng mga Sumerian?
Tama! Bakit mahalaga ang sitema ng
pagsulat?
Tama! Ano pa ang kanilang ambag?
Mahusay!
Tama!
Tama! Bakit mahalaga ang paggawa ng
dike at kanal?
Tama! Bakit bumagsak ang mga Sumerian?
Mahusay! Ano pa?
Tama! Ano ang mangyayari kapag walang
pagkakaisa?
Tama! Ano naman ang sumunod na
sibilisasyon?
Tama! Sino ba ang pinakatanyag na
pinuno ng mga Akkadian?
Mahusay! Bakit siya nakilala bilang
pinakatanyag na pinuno?
Tumpak! Bakit naman sila bumagsak?
Tama! Ano ba nang mangyayari kung
mahina ang sistema ng pagtatangol?
Tumpak! Ano pa ang ibang dahilan?
Tama! Ano ba ng mangyayari kapag
walang tiwala sa pinuno ang kanyang mga nasaskupan?
Tama! Ano naman ang sumunod na
imperyo?
Mahusay! Sino ang pinakadakilang hari
ng mga Babylonian?
Tama! Bakit siya naging dakila?
Tama! Bukod doon, saan siya mas
nakilala?
Magaling! Ano ba ang Code of
Hammurabi?
Mahusay! Ano ang kahulugan ng mga
katagang “Mata sa mata, Ngipin sa ngipin”?
Magaling! Bakit ba kailangan ng batas?
Tumpak! Bakit bumgasak ang mga
Babylonian?
Tama! Ano naman ang ikatlong imperyo?
Tama! Paano umangat ang imperyong
Assyrian?
Mahusay! Bakit naging susi ang dahas at
bakal sa kanilang pag-unlad?
Magaling! Sino ang nagtatag ng
imperyong ito?
Tama! Sino ang isa pang pinuno na
nagpalawak ng imperyo?
Mahusay! Bukod sa pagpapalawak ng
imperyo, ano pa ang ambag ni Assurbanipal sa kabihasnan?
Tama! Bakit mahalaga ang pagtatayo ng
isang silid-aklatan?
Tama! Ano pa ang ambag ng imperyong
Assyrian?
Mahusay! Bakit mahalaga ang epektibong
serbisyong postal?
Tama! Ano pa ang ambag nila?
Mahusay! Bakit sila bumagsak?
Tumpak! An o naman ang susunod na
imperyo?
Tama! Sino ang nagtatag ng imperyo?
Mahusay! Ano ang ginawa ni
Nebuchadnezzar para sa kanyang asawang si Amytis?
Tumpak! Bakit niya ito ipinatayo?
Mahusay! Ano ang Zodiac at Horoscope?
Tama! Bakit sila naniniwala sa
horoscope?
Mahusay! Ano ang “Tore ni Babel”?
Tama! Mayroon bang katanungan?
Mahusay!
C.
Paglalahat
Ngayon, muli nating balikan an gating
paksa.Ano nga uli an gating tinalakay?
Tama! Ano-ano ang mga sibilisasyon o
imperyo na ating tinalakay?
Tumpak! Magbigay ng ilang ambag ng mga
sibilisasyon o imperyo…
D.
Paglalapat
Ang bawat pinuno na ating nakilala ay
nagpakita ng iba’t ibang katangian. Sa mga tao na nabuhay sa sinaunang
panahon sa Mesopotamia (Hammurabi, Nebuchadnezzar, Sargon I, at Assurbanipal),
ang hinahangaan ko ay si ___________ dahil….
|
(Isang mag-aaral ang pupunta sa harap
at pangungunahan ang pagdarasal)
Magandang araw din po Ginoong Yco!
(Aayusin ng mga mag-aaral ang kanilang
mga upuan at pupulutin ang mga kalat)
(Mauupo na ang mga mag-aaral)
Wala po!
Sir! Tinalakay po natin ang mga
sinaunang kabihasnan
Sir! Sumer, Indus, at Shang
Sir! Kinilala po natin ang Mesopotamia
bilang “Cradle of Civilization” dahil dito po nagmula ang mga sinaunang
kabihasnan
Sir! Nabanggit din po ang mga ambag ng
iba’t ibang kabihasnan tulad ng Cuneiform, Ziggurat, Oracle Bone, at Mojenjo
Daro.
(Magsasama-sama ang magkakapangkat)
Sir! Crepe Paper po na pabilog.
(Sisimulan ng mga mag-aaral ang
gawain)
Sir! Magulo po..
Sir! Madali pong mapunit ung papel.
Sir! Mahirap pong pagkasyahin ang
lahat ng kasapi sa loob ng ring ng papel.
Sir! nagkakaisa po ang mga kasapi ng
pangkat.
Sir! nagkakagulo po ang mga kasapi at
walang maayos na namumuno.
Sir!
Mahahalagang Pangyayari sa Sinaunang Panahon sa Kanlurang Asya
Sir!
Sumerian po…
Sa
Mesopotamia po…
Land
between two rivers po.
Sir!
Tigris at Euphrates
Sir!
dahil po sa matabang lupa
Sir!
makakapagtanim po sila
Sir!
Cuneiform na unang sitema ng pagsulat
Dahil
nagamit po ito upang maitala ang mga nangyayari sa paligid at sa
pakikipagkalakalan.
Sir!
gulong po na gamit nila sa paggawa ng sasakyan.
Sir!
Sistema ng panukat at panimbang
Sir!
organisadong paggawa ng mga dike at kanal.
Upang
mapigilan po ang pagbaha
Madalas
pong labanan
Wala
pong pagkakaisa
Hindi
po magkakaroon ng magandang ugnyan ang bawat mamamayan..
Sir!
Akkadian
Si
Sargon I
Dahil
pinangunahan po niya ang pagsakop sa
Sumer at pagtatatag ng unang imperyo sa daigdig.
Dahil
po mahina ang kanilang sistema ng pagtatangol
Madali
pong malusob ang imperyo ng mga kalaban
Kawalan
ng tiwala sa pinuno
Maari
po silang lumipat sa ibang lugar
Sir! Babylonian po…
Sir!
Si Hammurabi po
Magaling
po siya at napalawak po niya ang kanilang teritoryo.
Sa
Code of Hammurabi po
Ito
po ay kalipunan ng 282 na mga batas
Kung
ano po ang ginawa ninyo sa inyong kapwa ay gagawin rin sa inyo halimbawa
kapag ikaw ay pumatay ay papatayin ka rin.
Upang
mapanatili po ang kaayusan, kapayapaan, at kaunlaran.
Dahil
matapos mamatay ni Hammurabi wala na pong malakas na pinuno at sinalakay po
sila ng ibang imperyo.
Assyrian
Gumamit
po sila ng dahas at bakal
Gumawa
po sila ng matitibay na gamit pandigma gamit ang bakal at natakot po nila ang
kanilang mga kalaban
Si
Tiglath-Pilaser I
Sir!
Si Assurbanipal po..
Pagpapatayo
po ng isang silid-aklatan
Sir!
naiipon po rito ang iba’t ibang kaalaman na nagagamit sa pag-aaral at
pagpreserba ng kaalaman.
Epektibong
sistema ng pamumuno at serbisyong postal.
Sir!
nagkakaroon po ng maayos na komunikasyon
Sir!
Maayos at magandang kalsada
Dahil
sa kanilang kalupitan pinagkaisahan po sila ng mga Chaldean, Medes, at
Persia.
Sir!
Chaldean po.
Si
Nabopolassar
Hanging
Gardens of Babylon.
Upang
maipakita po niya ang pagmamahal sa kanyang asawa na nagmula sa isang lugar
na maraming luntiang halaman.
Ito
po ay ginagamit upang hulaan ang kapalaran ng tao gamit ang mga bituin.
Dahil
gusto po nila malaman ang kanilang kapalaran at maipaliwanag ang mga
nagaganap sa kanilang buhay.
Sir!
Ito po ay isang Ziggurat na itinayo para sa diyos nilang si Marduk.
Wala
po!
Sir!
Mga mahahalagang pangayayari sa sinaunang panahon sa Kanlurang Asya
Sir!
Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, at Chaldean.
Sir!
Cuneiform, epektibong serbisyong postal, Hanging Gardens of Babylon, at
Ziggurat.
(Ibibigay
ng mga mag-aaral ang kanilang sariling kasagutan)
|
IV.
Pagtataya
Ibigay
ang hinihinging sagor sa mga sumusunod:
1_________-
ito ay binubuo ng 282 batas na nagsilbing pamantayan ng pamumuhay ng mga
Babylonian.
2.
Hanging Gardens of Babylon- _________.
3.
________- ito ay itinuturing na “Tore ni Babel” sa Bibliya.
4.
Cuneiform- ______
5.
________- ito ang naging dhilan upang magawa ng mga Sumerian ang karuwahe.
V.
Kasuduan
Pagpapangkat-pangkat.
A
|
B
|
_____1. Sistema ng kalakalan sa
pamamagitan
ng pagpapalitan ng produkto.
|
a.Barter
b. Bibliya
|
_____2. Tinaguriang “Tagapagdala ng
Kabihasnan”
|
c. Lydian
|
_____3. Pundasyon ng pananampalatayang
Judaism at Kristiyanismo.
|
d. Pagmimina ng Iron Core
e. Persian
|
_____4. Pinakamahalagan imbensyon ng
mga Hittites.
|
f. Phoenicians
|
_____5. Gumamit ng ginto at pilak na
barya sa pakikipagkalakalan.
|
|
Sanggunian:
Blando, Rosemarie C. et al. 2014. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.
Eduresource Publishing Inc. pp. 138-139
Images of Materials
Reflection
Being
creative is one of the characteristics of being a teacher. A teacher’s
creativity can be shown through creating a lesson plan that contains strategies
that will surely make students learn. This principle serve as my guide in
writing the lesson plan that I pick as the best among the rest of my lesson
plans.
In
the lesson plan that I write, I consider the characteristics of students which
were great factor for their learning. I let them read before we conduct the
discussion so that they can analyze the things related to the discussion about
“ Mga Mahahalagang Pangayayari sa Sinaunang Panahon sa Kanlurang Asya”. I used
a motivating activity that will not just motivate them but will bring them
together. Through different strategies that I used to them I saw how they
interact in the teaching and learning process .However, before I used the
lesson plan that I created I was not sure how students would response to the
flow of activities. However, as I apply it on the class it makes me felt happy
because students participate on the discussion and activities.
Teaching
history might be boring if a teacher doesn’t employ various creative strategies
that will bring out the best of the students. When you use creative strategies
there will be an assurance that student will not just learn but also enjoy the
learning process because they are part of it as an active participant. However,
even if you use a very creative and strategic lesson plan when you cannot put
it into practice well then it fails. Great lesson plan needs a great execution.
Comments
Post a Comment