Examples of Lesson Plans Use

Examples of Lesson Plans Use



Detailed



September 11, 2017
Masusing Banghay Aralin
sa Aralig Panlipunan
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mg-aaral ay inaasahang:
1.      nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa Kanlurang Asya.
2.      napapahalagahan ang mga ambag ng mga kilalang tao na naging bahagi ng mga mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa Kanlurang Asya.
3.      naipapaliwanag ang mga bagay na naiambag ng mga sibilisasyon at imperyo sa Kanlurang Asya sa klase.

II. Paksang Aralin
A. Paksa
Mahahalagang Pangyayari sa Sinaunang Panahon sa Kanlurang Asya (Summerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)
B. Sanggunian
Blando, Rosemarie C. et al. 2014. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Eduresource Publishing Inc. pp. 137-138
Santiago, Aurora L. et al.2012. Araling Asyano. JO-ES Publishing House. pp. 186-191
C. Kagamitan
Cartolina
 Pisara
Marker
 Larawan
 Adhesive Tape


III. Pamamaraan
Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
  Magsitayo ang lahat. Maari bang isa sa inyo ang mamuno sa ating panalangin?



2. Pagbati
Magandang araw!

3.Pagsasaayos ng Silid
Bago kayo magsiupo, maaari bang pakiayos muna ang inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat sa inyong paligid.



Maari na kayong maupo.



4. Pagtala ng Liban
Mayroon bang liban sa inyong pangkat?

5. Balik-aral
Sa araw na ito may bagong paksa tayong tatalakayin ngunit magbabalik-tanaw muna tayo sa ating pinag-aralan kahapon. Ano ba  ang inyong natatandaan  hinggil sa ating tinalakay?


Mahusay! Ano-ano ba ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya?

Tama! Iba pang kasagutan…





Mahusay! Karagdagang sagot…





Tama!
6. Pagganyak
Ngayon bago tayo dumako sa ating talakayan sa araw na ito magkakaroon tayo ng isang laro.
Bago ang lahat hahatiin muna natin ang klase sa dalawang pangkat..


Ayong magkakasama na ang mga magkakapangkat, bibigyan ko kayo ng isang envelope. Kapag mayroon na ang pangkat buksan ninyo ito. Ano ang inyong nakita?


Tama! Ang papel na inyong nakita ay may butas sa gitna. Ang bawat isang kasapi ng pangkat ay dapat na makapasok sa loob nang hindi nasisira ang papel…

Ano ang  inyong napansin habang isinasagawa ang gawain?

Tama! Ano pa?


Tama!


Magaling!  Sa mga nakayanang mapanatili nang matagal ang pape ng hindi napupunit, ano ang naging susi upang inyong magawa iyon?

Mahusay! Bakit naman madaling napunit ang papel ng ibang pangkat?


Tama! Ang inyong mga napansin sa ating gawain ay may kaugnayan sa mga katangian ng mga pangyayari sa ating paksa. Ano ba  ang ating tatalakayin?



Tama!

B. Pagtalakay
Ngayon ay dadako na tayo sa ating talakayan. Ating tatalakayin ang mga mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa Kanlurang Asya. Partikular nating tatalakayin ang lima sa mga sinaunang kabihasnan at imperyo. Batay sa inyong nabasa, ano ang unang kabihasnan ang ating tatalakayin?

Tama! Saan sumibol ang mga Sumerian?


Mahusay! Ano nga uli ang kahulugan ng Mesopotamia?

Tama! Anong mga ilog ang matatagpuan sa Mesopotamia?

Tama! Bakit sumibol ang Kabihasnang Sumer sa Mesopotamia?

Tama! Ano ba ang kahalagahan ng matabang lupa?

Tama! Ano ba ang mga bagay na naiambag ng mga Sumerian?


Tama! Bakit mahalaga ang sitema ng pagsulat?


 
Tama! Ano pa ang kanilang ambag?



Mahusay!


Tama!



Tama! Bakit mahalaga ang paggawa ng dike at kanal?

Tama! Bakit bumagsak ang mga Sumerian?


Mahusay! Ano pa?


Tama! Ano ang mangyayari kapag walang pagkakaisa?


Tama! Ano naman ang sumunod na sibilisasyon?


Tama! Sino ba ang pinakatanyag na pinuno ng mga Akkadian?


Mahusay! Bakit siya nakilala bilang pinakatanyag na pinuno?





Tumpak! Bakit naman sila bumagsak?




Tama! Ano ba nang mangyayari kung mahina ang sistema ng pagtatangol?



Tumpak! Ano pa ang ibang dahilan?

Tama! Ano ba ng mangyayari kapag walang tiwala sa pinuno ang kanyang mga nasaskupan?


Tama! Ano naman ang sumunod na imperyo?

Mahusay! Sino ang pinakadakilang hari ng mga Babylonian?

Tama! Bakit siya naging dakila?



Tama! Bukod doon, saan siya mas nakilala?

Magaling! Ano ba ang Code of Hammurabi?


Mahusay! Ano ang kahulugan ng mga katagang “Mata sa mata, Ngipin sa ngipin”?




Magaling! Bakit ba kailangan ng batas?



Tumpak! Bakit bumgasak ang mga Babylonian?




Tama! Ano naman ang ikatlong imperyo?

Tama! Paano umangat ang imperyong Assyrian?


Mahusay! Bakit naging susi ang dahas at bakal sa kanilang pag-unlad?




Magaling! Sino ang nagtatag ng impryong ito?

Tama! Sino ang isa pang pinuno na nagpalawak ng imperyo?

Mahusay! Bukod sa pagpapalawak ng imperyo, ano pa ang ambag ni Assurbanipal sa kabihasnan?


Tama! Bakit mahalaga ang pagtatayo ng isang silid-aklatan?




Tama! Ano pa ang ambag ng imperyong Assyrian?


Mahusay! Bakit mahalaga ang epektibong serbisyong postal?



Tama! Ano pa ang ambag nila?


Mahusay! Bakit sila bumagsak?



Tumpak! An o naman ang susunod na imperyo?


Tama! Sino ang nagtatag ng imperyo?


Mahusay! Ano ang ginawa ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawang si Amytis?

Tumpak! Bakit niya ito ipinatayo?




Mahusay! Ano ang Zodiac at Horoscope?



Tama! Bakit sila naniniwala sa horoscope?




Mahusay! Ano ang “Tore ni Babel”?



Tama! Mayroon bang katanungan?


Mahusay!

C. Paglalahat
Ngayon, muli nating balikan an gating paksa.Ano nga uli an gating tinalakay?



Tama! Ano-ano ang mga sibilisasyon o imperyo na ating tinalakay?



Tumpak! Magbigay ng ilang ambag ng mga sibilisasyon o imperyo…



D. Paglalapat
Ang bawat pinuno na ating nakilala ay nagpakita ng iba’t ibang katangian. Sa mga tao na nabuhay sa sinaunang panahon sa Mesopotamia (Hammurabi, Nebuchadnezzar, Sargon I, at Assurbanipal), ang hinahangaan ko ay si ___________ dahil….



(Isang mag-aaral ang pupunta sa harap at pangungunahan ang pagdarasal)


Magandang araw din po Ginoong Yco!



(Aayusin ng mga mag-aaral ang kanilang mga upuan at pupulutin ang mga kalat)
 
(Mauupo na ang mga mag-aaral)


Wala po!




Sir! Tinalakay po natin ang mga sinaunang kabihasnan

Sir! Sumer, Indus, at Shang

Sir! Kinilala po natin ang Mesopotamia bilang “Cradle of Civilization” dahil dito po nagmula ang mga sinaunang kabihasnan

Sir! Nabanggit din po ang mga ambag ng iba’t ibang kabihasnan tulad ng Cuneiform, Ziggurat, Oracle Bone, at Mojenjo Daro.





(Magsasama-sama ang magkakapangkat)




Sir! Crepe Paper po na pabilog.



(Sisimulan ng mga mag-aaral ang gawain)
 
Sir! Magulo po..

Sir! Madali pong mapunit ung papel..

Sir! Mahirap pong pagkasyahin ang lahat ng kasapi sa loob ng ring ng papel.


Sir! nagkakaisa po ang mga kasapi ng pangkat.

Sir! nagkakagulo po ang mga kasapi at walang maayos na namumuno.



Sir! Mahahalagang Pangyayari sa Sinaunang Panahon sa Kanlurang Asya







Sir! Sumerian po…

Sa Mesopotamia po…

Land between two rivers po.


Sir! Tigris at Euphrates

Sir! dahil po sa matabang lupa

Sir! makakapagtanim po sila


Sir! Cuneiform na unang sitema ng pagsulat

Dahil nagamit poi to upang maitala ang mga nangyayari sa paligid at sa pakikipagkalakalan.

Sir! gulong po na gamit nila sa paggawa ng sasakyan.

Sir! Sistema ng panukat at panimbang
 
Sir! organisadong paggawa ng mga dike at kanal.


Upang mapigilan po ang pagbaha

Madalas pong labanan 

Wala pong pagkakaisa

Hindi po magkakaroon ng magandang ugnyan ang bawat mamamayan..


Sir! Akkadian


Si Sargon I


Dahil pinangunahan po niya  ang pagsakop sa Sumer at pagtatatag ng unang imperyo sa daigdig.


Dahil po mahina ang kanilang sistema ng pagtatangol


Madali pong malusob ang imperyo ng mga kalaban

Kawalan ng tiwala sa pinuno

Maari po silang lumipat sa ibang lugar

Sir! Babylonian po…

Sir! Si Hammurabi po

Magaling po siya at napalawak po niya ang kanilang teritoryo.

Sa Code of Hammurabi po

Ito po ay kalipunan ng 282 na mga batas

Kung ano po ang ginawa ninyo sa inyong kapwa ay gagawin rin sa inyo halimbawa kapag ikaw ay pumatay ay papatayin ka rin.

Upang mapanatili po ang kaayusan, kapayapaan, at kaunlaran.

Dahil matapos mamatay ni Hammurabi wala na pong malaks na pinuno at sinalakay po sila ng ibang imperyo. 

Assyrian

Gumamit po sila ng dahas at bakal


Gumawa po sila ng matitibay na gamit pandigma gamit ang bakal at natakot po nila ang kanilang mga kalaban 

Si Tiglath-Pilaser I

Sir! Si Assurbanipal po..



Pagpapatayo po ng isang silid-aklatan

Sir! naiipon po rito ang iba’t ibang kaalaman na nagagamit sa pag-aaral at pagpreserba ng kaalaman.

Epektibong sistema ng pamumuno at serbisyong postal.


Sir! nagkakaroon po ng maayos na komunikasyon

Sir! Maayos at magandang kalsada

Dahil sa kanilang kalupitan pinagkaisahan po sila ng mga Chaldean, Medes, at Persia.

Sir! Chaldean po.


Si Nabopolassar

Hanging Gardens of Babylon.

Upang maipakita po niya ang pagmamahal sa kanyang asawa na nagmula sa isang lugar na maraming luntiang halaman.

Ito po ay ginagamit upang hulaan ang kapalaran ng tao gamit ang mga bituin.

Dahil gusto po nila malaman ang kanilang kapalaran at maipaliwanag ang mga nagaganap sa kanilang buhay.

Sir! Ito po ay isang Ziggurat na itinayo para sa diyos nilang si Marduk.

Wala po!




Sir! Mga mahahalagang pangayayari sa sinaunang panahon sa Kanlurang Asya

Sir! Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, at Chaldean.


Sir! Cuneiform, epektibong serbisyong postal, Hanging Gardens of Babylon, at Ziggurat.






(Ibibigay ng mga mag-aaral ang kanilang sariling kasagutan)

IV. Pagtataya
Ibigay ang hinihinging sagor sa mga sumusunod:
1_________- ito ay binubuo ng 282 batas na nagsilbing pamantayan ng pamumuhay ng mga Babylonian.
2. Hanging Gardens of Babylon- _________.
3. ________- ito ay itinuturing na “Tore ni Babel” sa Bibliya.
4. Cuneiform- ______
5. ________- ito ang naging dhilan upang magawa ng mga Sumerian ang karuwahe.

V. Kasuduan
Pagpapangkat-pangkat.
A
B
_____1. Sistema ng kalakalan sa pamamagitan
 ng pagpapalitan ng produkto.
a.Barter
b. Bibliya
_____2. Tinaguriang “Tagapagdala ng Kabihasnan”
c. Lydian
_____3. Pundasyon ng pananampalatayang
Judaism at Kristiyanismo.
d. Pagmimina ng Iron Core
e. Persian
_____4. Pinakamahalagan imbensyon ng
mga Hittites.
f. Phoenicians
_____5. Gumamit ng ginto at pilak na
 barya sa pakikipagkalakalan.



                       
Sanggunian: Blando, Rosemarie C. et al. 2014. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Eduresource Publishing Inc. pp. 138-139




 November 22, 2017



Banghay Aralin sa
Araling Panlipunan 7- Araling Asyano
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nakikilala ang mga nasyonalista at ang kanilang mga ambag sa Timog at Kanlurang Asya.
2. nasusuri ang mga pamamaraang ginamit ng mga nasyonalista sa pagpapahayag ng kanilang damdaming makabayan.
3. naiuugnay ang mga mga katangian ng mga nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya sa katangian ng isang huwarang mamamayan na may pagmamahal sa bansa.
4.  naipapahayag ang sariling paraan upang maipamalas ang damdaming makabayan.

II. Paksang Aralin
A. Paksa
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang asya
B. Sanggunian
Blando, Rosemarie C. et al. 2014. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Eduresource Publishing Inc. pp. 230-233
C. Kagamitan
ü  Cartolina
ü  Pisara
ü  Marker
ü  Larawan
ü  Laptop
ü  Projector
ü  Speaker




III. Pamamaraan
Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
  Magsitayo ang lahat. Maari bang isa sa inyo ang mamuno sa ating panalangin?


2. Pagbati
Magandang araw 7-Love!

3.Pagsasaayos ng Silid
Bago kayo magsiupo, maaari bang pakiayos muna ang inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat sa inyong paligid.


Maari na kayong maupo.

4. Pagtala ng Liban
Mayroon bang liban sa inyong pangkat?
Pangkat 1

Pangkat 2

Pangkat 3

Pangkat 4

Pangkat 5

5. Balik-aral
Sa araw na ito may bagong paksa tayong tatalakayin ngunit bago ang lahat magbalik-tanaw muna tayo sa ating pinag-aralan kahapon. Ano ba  ang inyong natatandaan  hinggil sa ating tinalakay?

(Tatawag ang guro ng mag-aaral)


Mahusay! Ano ba ang kahulugan ng Nasyonalismo?


Tama! Paano ba natin maipapakita ang nasyonalismo?


Mahusay!


Tama! Paano ba umusbong ang damdaming makabayan sa Timog at kanlurang Asya?



Mahusay!
6. Pagganyak
Ngayon bago tayo dumako sa ating talakayan sa araw na ito magkakaroon tayo ng isang gawain.  Manonood tayo ng isang Music Video na may pamagat na “Handog ng Pilipino sa Mundo”. Ito ay isinulat ni Jim Paredes at kinanta ng labinlimang mang-aawit kabilang dito ay sina Kuh Ledesma, Gretchen Barreto, at ang Apo Hiking Society. Matapos yaon ay may ilang katanungan ako sa inyo.

Mahusay! Tungkol saan ang inyong napanood?


Mahusay! Ano ang mensahe ng inyong pinanood?



Magaling! Sino-sino ba ang mga naging bahagi ng EDSA People Power  Revolution?

Tumpak! Alam ninyo ba na ang tawag sa mga katulad nila na taong nagpapakita ng pagmamahal sa bayan ay nasyonalista at ang tatalakayin natin sa araw na ito ay…

B. Pagtalakay
Ngayon ay dadako na tayo sa ating talakayan. Ngunit bago yaon ay magkakaroon tayo ng isang gawain. Hahatiin natin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ko ng isang envelope na naglalaman ng kartolina at litrato ng isang Nasyonalista.  upang inyo siyang makilala pupunan ninyo ang ilalim ng larawan ng mga salita, pangungusap, o parirala na may kaugnayan sa kanya. Inyo itong gagawin sa loob ng dalawampung minuto at ibabahagi ninyo ito sa klase pagkatapos. Kayo ay bibigyang marka ayon sa rubrik.

Presentasyon- 20 puntos
Impormasyon- 20 puntos
Pagkakaisa sa paggawa- 10 puntos




Ang ating pagkilala sa mga nasyonalista ay pangungunahan ng unang pangkat.













Mahusay!  Makakaupo na kayo. Bakit nais ni Gandhi na hindi gumamit ng dahas?


Tama! Ano ba ang mangyayari kung gagamit ka ng dahas sa pakikipaglaban?


Tama! Kung ikaw si Gandhi, ano ang iyong mararamdaman kung hindi ka nagtagumpay sa iyong layunin?


Mahusay! Ano ang iyong gagawin nang hindi gumagamit ng dahas?


Tama!


Tumpak!


Mahusay! Ngayon kikilalanin naman natin ang ikalawang nasyonalista. Ikalawang pangkat maari na kayong magsimula..














Magaling! Bakit kaya ninais ni Jinnah na magkaroon ng sariling bansa ang mga Muslim?


Mahusay! Maaari bang magsama sa iisang bansa ang muslim at hindu ?


Tama!


Tama! Ang ikatlong nasyonalista naman ang ating kikilalanin sa pangunguna ng ikatlong pangkat.















Magaling! Bakit ninais ni Atataturk na mapalaya ang kanyang bansa mula sa tangkang paghahati sa kanila ng mga Kanluranin?


Mahusay! Bakit nagsagawa ng maraming pagbabago si Mustafa Kemal sa kanyang bansa?





Tama!




Tama! Kung ikaw ay mag-isa lamang posible ba na ikaw ay magtagumpay na palayain ang iyong bansa?





Mahusay! Ang ika-aapat na nasyonalista ay ipapakilala sa atin ng susunod na pangkat










Mahusay! Bakit tinuligsa ni Khomeini ang kanilang pinuno?


Tama? Ano baa ng mangyayari kung may roong dayuhan sa isang bansa?





Tama!




Mahusay! Handa ba kayong makulong o maipatapon sa ibang bansa maipahayag lamang ang hinaing ninyo sa pamahalaan? Bakit?
hinaing




Magaling! Sa inyong palagay, ano ang mangyayari kung nasa iisang tao lamang ang kapangyarihan sa pamahalaan at simbahan?





Mahusay!


Tama! Para sa huling nasyonalista, ibabahagi naman sa atin ito ng ikalimang pangkat.















Mahusay! Paano nabawi ni Saud ang mga lupaing sakop ng kanyang pamilya?



Tama! Malaki ba ang bahaging ginagampanan ng relihiyon upang mapagbuklod ang ilang pangkat?



Tama! Paano naging susi ang langis upang yumaman at maging makapangyarihan ang Saudi Arabia?


Tumpak! May katanungan ba o nais linawin sa ating talakayan?

Magaling!
C. Paglalahat
Sulyapan  natin muli ang  tinalakay sa araw na ito. Ano nga uli ang ating  paksa ?


Tama! Sino- sino ang mga nasyonalista?

Tama!

Tama!

Tama!

Tama!

Tama! Ano ang bagay ang ginamit ni Mohandas Karamchad Gandhi?


Mahusay! Saang bagay naman nakilala si Mohamed Ali Jinnah



Tama! Ano namn ang nagawa ni Mustafa Kemal Ataturk?


Mahusay! Paano naman ipinakita ni Ayatollah Roullah Mousari Khomeini?



Mahusay! Paano naman nakilala si Ibn Saud?


Tama!
D. Paglalapat
Sa puntong ito na nakilala na natin ang mga nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya, Sino sa kanilang lima ang maari mong masabing idolo mo sa larangan ng nasyonalismo? Bakit?



Kung ang ginamit niya ay _______ ang gagamitin ko naman upang maipamalas ang nasyonalismo ay ______________




(Isang mag-aaral ang pupunta sa harap at pangungunahan ang pagdarasal)


Magandang araw din po Ginoong Yco!




(Aayusin ng mga mag-aaral ang kanilang mga upuan at pupulutin ang mga kalat)

(Mauupo na ang mga mag-aaral)



Wala po!

Wala po!

Wala po!

Wala po!

Wala po!






(Magtataas ng kamay ng mga mag-aaral)

Sir! Tinalakay po natin ang Nasyonalismo sa Asya


Sir! Ito po ay ang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan


Sir! pagtangkilik po sa sariling produkto ng bansa.

Sir! pagkakaisa at pagiging makatarungan po



Naging malupit at di makatarungan po ang mga kanluranin sa pamumuno at pamamahala sa Asya.











(Manood ang mga mag-aaral)

Sir! Tungkol po sa mga naganap noong EDSA People Power Revolution


Sir! makakamit po natin ang kalayaan nang walang dahas ang kailangan lang po ay magkaisa.


Sir! mga pari, madre at sundalo




Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya


















(Sa loob ng dalawampung minuto ay gagawin ng mga mag-aaral ang gawain at pagkatapos nito ay ang kanilang pagbabahagi)

















·         Ang nasa larawan po ay si Mohandas Karamchad Gandhi mula sa India
·         Namuno upang ipaglaban ang hinaing ng mga Indian sa mga Ingles
·         Naniniwala sa Ahimsa (lakas ng kaluluwa) at satyagraha (Kawalan ng Kararahasan) sa pakikipaglaban
·         Nagsagawa ng Hunger Strike, pagmamartsa, at civil disobedience o pagboykot sa produktong Ingles
·         Lumaya ang India subalit namatay ng hindi nagtagumpay na mapag-isa ang mga Hindu at Muslim


Sir! ayaw po niya na magbuwis ng buhay ang mga tao upang makamit lamang ang kalayaan


Maraming buhay ang mawawala at maraming pamilya ang mawawalan ng mahal sa buhay.



Malulungkot po dahil parang nasayang lang po ang aking pinaghirapan.


Sir! Pagtangkilik po sa mga gawa dito sa ating bansa tulad ng pagkain, damit at iba pa.

Pakikiisa po at pagtulong sa mga nangangailangan sa ating bayan

Pagsunod po sa mga batas na pinaiiral ng pamahalaan.


















·         Siya po ay si Mohamed Ali Jinnah mula sa Pakistan
·         Pinangunahan ang Muslim League na naghangad ng isang malayang hiwalay na bansa para sa kanilang mga Muslim mula sa India
·         Kauna-unahang Gobernador-heneral ng Pakistan
·         Tinaguriang “Ama ng Pakistan”



Sir! upang mapanatili ang paraan ng kanilang pamumuhay na nakabatay sa relihiyong Islam.


Sir!hindi po upang makaiwas sa pangmamaliit at diskriminasyon mula sa isa’t isa

Opo, kung sila po ay mag-uunawaan at rerespetuhin ang bawat isa















·         Siya ay si Mustafa Kemal Ataturk mula sa Turkey
·         Isang opisyal ng militar na naging unang pangulo at tagapagtatag ng Turkey
·         Isa sa mga hindi sumangayon sa kasunduan ng Italy at France na hatiin ang Imperyong Ottoman.
·         Naging tagapagsalita ng Grand National Assembly na nagbigay daan upang kumilos ang mga Turkong militar para hingin ang kanilang kalayaan.
·         Nagsagawa ng mga pagbabago sa pamahalaan, ekonomiya, at  kultura.



Sir! upang mapanatili po nila ang kanilang pagkakakilanlan bilang mga Turko



Sir! dahil may mga pamamaraan o sistema na hindi akma sa kasalukuyang panahon sa kanilang bansa o kaya naman po ay labag sa kagustuhan ng nakararami

Sir! dahil kailangan po ng pagbabago upang makasabay ang kanilang bansa sa takbo ng iba pang bansa.




Sir! hindi po! Dahil kailangan po ng maraming tao na nagkakaisa upang makamit ang hangarin mo na mapalaya ang iyong bansa tulad po ng nangyari sa Turkey na sinuportahan po si Mustafa Kemal ng militar.














·         Siya ay si Ayatollah Roullah Mousari Khomeini mula sa Iran
·         Bumatikos sa mga karahasan ng Shah at pagsuporta nito sa interes ng mga dayuhan.
·         Nakulong at ipinatapon sa ibang bansa
·         Salman Rushdie- hinatulan niya ng kamatayan dahil sa aklat nitong “Satanic Verses”.
·         Nakilalang malupit na pinuno.



Sir! dahil pinanigan po niya ang interes ng mga ito.


Sir! dahil pag may dumating pong dayuhan nagugulo po ang paraan ng pamumuhay ng isang lugar at naiimpluwensiyahan nila ang pamamalakad ng pamahalaan.

Nawawala po ang pagpapahalaga sa pagkakakilanlan ng isang lugar dahil mas nabibigyang pansin ang katangian ng mga dayuhan.



Sir! Opo dahil bilang isang mamamayan kailangan  ipahayag po natin ang ating karapatan na magmalasakit sa pamahalaan at sa bayan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng hinaing



Magiging magulo po dahil ang batas ng simbahan ang magiging batas din ng pamahalaan kaya kung malupit po ang batas ng simbahan gayundin po ang magiging batas sa pamahalaan

Magkakaroon po ng kaayusan dahil iisang tao lamang ang namumuno sa bansa.














·         Siya ay si Ibn Saud mula sa Saudi Arabia
·         Kauna-unahang hari ng Saudi Arabia
·         Pinagbuklod sa iisang kaharian ang mga lupaing dating sakop ng kanilang pamilya at mga nasakop na lupain.
·         Nahimok ang mga nomadiko na mabuhay ng payapa at napatigil ang mga pagnanakaw at pangingikil sa mga dumadalo sa pilgrimage sa Mecca.
·         Pinahintulutan ang isang kompanya mula sa Estados Unidos na magkaroon ng oil concession sa Saudi Arabia.


Gumamit po siya ng pakikidigma upang mabawi ang mga lupaing dating sakop ng kanilang pamilya



Opo dahil kung iisa lang po ang relihiyong sinasamba magkakaroon po ng ugnayan ang bawat pangkat at madali pong magkakasundo



Nagbigay po ito ng malaking pera para sa ekonomiya at pamahalaan ng Saudi Arabia


Wala po!




Sir mga Nasyonalista po sa Timog at Kanlurang Asya

Ayatollah Khomeini

Mohandas Karamchad Gandhi

Mustafa Kemal Ataturk

Ibn Saud

Mohamed Ali Jinnah


Sir! gumamit po siya ng ahimsa at satyagraha sa pakikipaglaban


Sir! nakilala po siya sa pangunguna niya na magkaroon ng hiwalay na bansa para sa mga Muslim sa India


Sir! Siya po ang nagbigay daan upang lumaya ang Turkey


Sir! ipinaglaban po niya ang kakapakanan ng kanyang mga kababayan laban sa karahasan ng Shah at pagpanig nito sa mga dayuhan.

Sir! pinagbuklod at pinaunlad po niya ang ekonomiya ng Saudi Arabia.






(Ibibigay ng mga mag-aaral ang kanilang kasagutan batay sa kanilang damdamin at naunawaan)



IV. Pagtataya
Pagpapangkat-pangkat. Isulat lamang ang sagot.
                        A                                                                                             B
1. Ama ng Pakitan                                                                  a. Ayatollah Khomeini
2. Nanghikayat ng Civil Disobedience                                   b. Ibn Saud
3. Kauna-unahang hari ng Saudi Arabia                                 c. Mohandas Karamchad Gandhi
4. Unang pangulo ng Republika ng Turkey                           d. Mohamed Ali Jinnah
5. Nagtalumpati at nagsulat laban sa Shah.    .                       e. Mustafa Kemal Ataturk
                                                                                                f. Isman Rushdie

Susi sa Pagwawasto
1. D                        2. C                 3. B                 4. E                  5. A
V. Kasunduan
Sa isang Short Bondpaper gumawa ng Slogan na  nagpapahayag ng nasyonalismo..
Halimbawa:     Buhay ay iaalay
                        Para sa bayang sinilangan
Rubrik:  Pagkamalikhain- 15 puntos.              Mensahe- 15 puntos


December 5, 2017








Semi-detailed and Brief Lesson Plans


 








Reflection
Teachers and lesson plans are forever together and cannot be separated. Lesson plans are considered as the teacher’s blueprint and without it they cannot teach. It should be on hand and serve as a guide in the teaching and learning process. In line with that, lesson plan is my guide when I start as a student teacher.

In the beginning, my cooperating teacher told me that I would not use a Daily Lesson Log instead I will use the traditional lesson plan. She said that I can use whatever lesson plan I’d like and comfortable to use so I used detailed, semi-detailed, and a brief lesson plans. Each type of lesson plan contains different characteristics but same content. The lesson plan I used makes me knowledgeable about my topic and the flow of my lesson. It guides me to the start up to the end of each lesson. Indeed, lesson plans are great help to teachers.

However, lesson plans are not just created out of the blue instead it is created with careful analysis of content and planning of strategic technique. It is also shaped based on the student’s characteristics because at the end they will be the one that will benefit to it and it should be appropriate to them. Aside from that, lesson plans are written with the purpose of making students learn and be part of the teaching and learning process.

As I write this lesson plan, I sometimes felt tired, burn out, and not motivated because I have to read many books for the contents and teaching strategies. Beyond that struggles, I always bear in mind that I should create lesson plans that suitable to their characteristics and they will enjoy learning. I think about that because I believe that students should be one of the paramount factors in lesson planning.

Comments

Popular posts from this blog

Titles and Synopsis of Professional Readings and References

My Daily Experience

The Final Demonstration Teaching